top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

23 si girl, 53 si mayor… NABULGAR: IVANA, BAGONG GF NI DAN FERNANDEZ

Writer: BULGAR
BULGAR
May 3, 2019
1 min read

NAGULAT kami sa itsinika ng isang reliable source na may konek sa circle of friends ni Sta. Rosa, Laguna Mayor Dan Fernandez.

Chika niya, GF ni Mayor Dan (53 y/o) ang sumisikat ngayong Kapa­mil­ya actress na si Ivana Alawi (23 y/o). Siya ‘yung gumanap na young GF ni Eddie Garcia sa Ang Probinsyano at ngayon ay napapa­nood siya sa Sino Ang May Sala?: Mea Culpa series na pinag­bi­­bi­dahan ni Jodi Santa­ma­ria sa Kapamilya Primetime Bida.

Tinanong namin ang aming source kung kelan pa nagsimula ang relas­yon ng dalawa. Aniya, mahigit isang taon na raw at in fact, hindi naman daw itinatago ni Mayor Dan sa mga kaibigan ang relasyon nila ni Ivana dahil nakikita silang magka-date in public at sa kanilang social media account ay sweet din ang palitan nila ng mensahe na nababasa rin ng kanilang mga friends.

Ang hindi lang namin alam ay kung aaminin din ito ni Ivana kapag nainterbyu siya ng press.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page