Wala raw paki sa mga bashers... KORINA, DEDMA SA BANAT NA MASYONDA NA, NAGKA-BABY PA


KAWAWA naman si Korina Sanchez, marami ang bumabatikos dito at nagsasabing she is just too old to have babies.
Sa interview sa kanya sa Magandang Buhay, ipinaliwanag ng TV broadcaster na hindi issue ang age ng isang nanay para magampanan nito ang kanyang mga responsibilidad sa kanyang anak.
“To say that it is a handicap that I’m in my 50s—and if this age is a handicap, parang tinitingnan mo ‘yung baso nang half-empty instead of half full. I think what is important is the quality of love and of time that we give them.
“Kaya alam mo, bago ito, todo-pa-checkup ako. Even long before that, talagang ‘yung fitness and ‘yung health ko, tsinek ko lahat ‘yan. Ibig kong sabihin, handa ako.”
Ayon pa kay Korina, gusto niyang mabuhay kasama si Mar nang hanggang 100 years.





Comments