Malinaw ayon sa birthday... HOUSEWIFE NA NAKATAKDANG SUWERTEHIN KUNG MAGHAHANAPBUHAY
- BULGAR

- May 2, 2019
- 2 min read
Dear Maestro,
Ako ay housewife, akala ko ay magiging okay na ang kalagayan namin dahil may trabaho naman ang mister ko.
Kaya lang, bigla siyang natanggal sa kumpanyang pinapasukan niya. Apat ang aming anak kaya ngayon ay hirap na hirap na kami sa buhay.
Muli kayang makahahanap ng trabaho ang mister ko o tama ang iniisip ko na maghanap din ako ng trabaho?
Kailan kami makaluluwag at makaaahon sa kahirapan? February 5, 1981 ang birthday ko at December 1, 1972 naman ang mister ko.
Umaasa,
Cristy ng Dela Paz, Lubao, Pampanga
Dear Cristy,
Ayon sa birth date mong 23 o 5 (2+3=5) sa zodiac sign na Aquarius at sa destiny number na 8 (2+5+1981=1988/ 19+ 88=107/ 10+7=17/ 1+7= 8), tama ang iniisip mong tulungan si mister sa pagtatrabaho o maghanap ka rin ng trabaho o sariling pagkakakitaan upang mas madali kayong makaahon sa kahirapan hanggang sa tuluyang umasenso ang inyong pamilya.
Kung saan dahil ikaw ay may birth date na 5, mas mainam kung mag-a-apply ka sa abroad at kung sisimulan mo na ang pag-a-apply ngayong taon hanggang sa taong 2022, sa edad mong 38 pataas, makikita mo, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong karanasan na magiging daan upang unti-unti na kayong makaahon sa kahirapan at mga pagkakautang hanggang sa bandang huli ay tuluyan na ring umunlad at sumagana ang inyong pamilya sa aspetong pangmateryal na bagay.
Dagdag pa rito, ang birth date na 1 ng mister mo ay nagsasabing, papalarin din si mister sa pangingibang-bansa, gayundin sa pagnenegosyo na may kaugnayan sa apoy, sa mga inilulutong bagay o pagkain at sa iba pang mga produktong kauri nito.
Ayon sa Decadens ng Kapalaran, sa sandaling sinunod ninyo ang mga simpleng rekomendasyong inilahad na sa itaas, tiyak ang magaganap, tulad ng nasabi na, sa taong 2022, sa edad mong 41 at 50 naman ang mister mo, sa nasabing panahon, maunlad na maunlad na ang inyong kabuhayan hanggang sa tuluyan na rin kayong yumaman, na siyang nagiging kadalasang sadlakang kapalaran ng mga “taong singko” tulad mo.




Comments