top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Lola natagpuang patay

Pabs Hernandez III
May 2, 2019
1 min read

ALBAY—Isang lola ang natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay, kamakalawa sa Bgy. San Juan, Tabaco City sa lalawigang ito.

Ang biktima ay nakilalang si Merci Bornella, 77-anyos at residente ng naturang barangay.

Nabatid na ilang kamag-anak ni Bonnella ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na may mga tama ng saksak sa katawan sa loob ng kanyang bahay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na pagnanakaw ang motibo at ngayon ay nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang salarin.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page