top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Dahil sa suicide bombing, chairman umamin | TURISMO SA SRI LANKA, BABABA NG 50%

Jersey Sanchez
May 2, 2019
1 min read

INAMIN ni Sri Lanka Tourism Bureau Chairman Kishu Gomes na inaasahan nilang bababa ng halos 50% ang mga turistang bibisita sa Colombo.

Ito ay matapos ang suicide bombing sa bansa na ikinasawi ng higit 250 katao.

Gayunman, nahaharap ang bansa sa biglaang pagbaba ng tourism revenue ng halos $750 million ngayong taon.

Ayon kay Sri Lankan Airline Chief Executive Vipulla Gunatilleka, 10% ng kostumers ang nagkansela ng flight.

Matatandaang, ikatlo sa pinakamalaki at mabilis na pinagkukunan ng foreign currency ang Sri Lanka noong nakaraang taon.

Posible rin umanong bumalik ang kumpiyansa ng mga turista sa Sri Lanka kung masisiguro ng mga militar ang seguridad sa bansa.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page