top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

PAGTUPAD SA PANGAKO NI BEJOY NAGAWA SA HURDLES

Clyde Mariano/MC
May 1, 2019
1 min read

DAVAO CITY — Basta’t kaya ay sisikaping manalo. Maging sa isip niya ay hindi na siya dapat pang mabigong muli. Pangako ito sa sarili ni Bernalyn Bejoy ng Western Visayas mu­­la sa unang araw ng kan­yang ginagawang paghahan­da para makabawi sa 400-meter hurdles secondary girls sa 2019 Palarong Pambansa sa Davao City.

Ang motibasyong ito sa kanyang sarili ay nagta­gumpay nang sa wakas ay natalo niya ang apat na taon nang karibal sa kompe­tisyon na si Riza Jane Vallente ng NCR. Kung bakit sa loob ng tatlong taon ay laging olats si Bejoy kay Vallente. “Four years na po akong nata­talo nung taga-Cebu pero NCR siya ngayon. Second lang po ako since Grade 9, Grade 10, Grade 11. Nga­yong Grade 12 lang ako nakabawi,” kuwento ni Bejoy sa media.

Wala na raw talagang ibang pangarap si Bejoy kundi ang makuha ang gold medal, kaya lamang ay kapos pa siya pagdating sa mga teknik sa hurdle “Di na lang dapat laging second ka. Dapat mag-first ka na rin,” ani Bejoy. “Yung problema sa ‘kin ‘yung trotting ko sa hurdle ‘pag malapit na sa hurdle, ‘di ako makatalon ng diretso. Natatakot ako na tumalon agad. Dun ako nade-delay. Dun ako nata­talo sa kanya,” aniya. Sa katunayan, naging magkai­bigan na rin silang dalawa ni Valiente dahil sa palagian na ring silang dalawa ang mag­kalaban sa Palarong Pambansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page