Mukhang ermitanyo sa balbas at bigote… JLC, BALIK-COMMERCIAL PERO WALANG DIALOGUE
- BULGAR
- May 1, 2019
- 1 min read

LUMABAS na ang commercial ni John Lloyd Cruz para sa isang shawarma brand na ini-endorse niya. Ito ‘yung napabalita last month na pagbabalik niya na naging talk of the town which means marami pa rin talaga ang nag-aabang sa comeback ng aktor.
Last Monday night ini-release online ang commercial ni Lloydie na may titulong “Ang Nagbabalik.”
Sa 1 minute and 20 seconds video, makikita si Lloydie sa kanyang hitsura ngayon (long hair with beard and mustache) na tila nasa isang mahabang paglalakbay. Walang dialogue ang aktor at lakad lang nang lakad at sa bandang huli ay ipinakitang kumakain siya ng shawarma.
Bumagay naman ang concept ng commercial na tila sumisimbolo ng journey in life ni Lloydie. Na pati ang ermitanyo look niya ay bumagay din sa konsepto.
Sa comments section sa You Tube ay maganda naman ang feedback sa pagbabalik ni Lloydie at tila nabuhayan nga ng loob ang mga fans niya na na-miss siya nang husto sa kanyang pagkawala.
‘Yun nga lang, hindi man lang daw nagsalita ang aktor. Pero natuwa na rin ang mga fans at wish nila na tuluy-tuloy na raw sana ang pagbabalik ni JLC.
Commentaires