top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

HOROSCOPE | Mayo 1, 2019 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 1, 2019
  • 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG MAYO 1, 2019 (Miyerkules): Malambot ang puso mo, kaya marami ang magsasamantala sa kabaitan mo. Gayunman, ang langit ay pagkakaloo­ban ka ng hindi matapus-tapos na mga grasya.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nakamasid sa iyo ang langit. Ang mga pag­tu­long mo sa iyong kapwa ay tatapatan Niya ng mara­ming biyaya. Ipagpatuloy mo ang iyong pagliling­kod sa mga tao. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­wer­teng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-13-29-30-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lolobo ang ka­ban ng iyong ya­man hang­gang sa patuloy kang nagsisi­kap. Sa huli, ang yaman mo ay aabot pa sa mara­ming salin-lahi. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-16-21-25-34-43.

GEMINI (May 21- June 20) - Magmadali ka nang sa gayun ay marami kang makuhang pakinabang. Sa pagmamadali mo, mara­mi ang iyong malalagpasan. Huwag kang mag-alala da­hil sa huli, sobra-sobra ang mapa­sasakamay mo. Masu­wer­teng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-13-15-23-33-36.

CANCER (June 21- July 22) - Mayayanig ka sa galaw ng iyong kapalaran da­hil malalaking suwerte ang nag-aabang sa landas ng buhay na iyong nilalaka­ran sa kasalukuyan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-26-31-39-40-46.

LEO (July 23-Aug. 22) - Maa­awa ka sa hin­di dapat kaawa­an. Nangya­yari na ito sa iyo nang madalas kaya lang, hindi ka naman nagbabago. Tulad noon, ang pagsisisi ay mararanasan mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-pink. Tips sa lotto-19-21-25-27-34-38.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ikaw ang taga­hatol ngayon sa dalawang hin­di magkaintindihan. Ma­ga­gawa mo silang ayusin dahil sa kakaibang talino na ipinaiiral mo. Ito ang mensahe ng iyong kapa­la­ran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-22-24-29-41-42.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka pa rin nagbaba­go, kung ano ang maganda sa tingin mo, ‘yun ang gugustuhin mo. Babalewalain mo ang sina­sabi ng iba dahil ikaw ang higit na may karapa­tang pu­mili ng gusto mo. Masu­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-18-24-25-34-44.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mahirap kang kalaban dahil hindi ka basta-basta sumusuko. Sa pagmamahal ay ganu’n ka rin, ang pagsuko ay wala sa iyong bokabularyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-13-15-20-23-32.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Babag­sak ka, tangga­pin mo ito nang maluwag sa kalooban mo dahil muli kang tataas at mas mataas ka pa kaysa sa dating kalagayan mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa kasaluku­yan. Masuwerteng kulay-vio­let. Tips sa lotto-11-12-27-34-35-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakagugu­lat ang iyong kapalaran da­hil ikaw ay mababawa­san, pero ikaw din ay madarag­dagan at ang madaragdag sa iyo ay may dala-dalang napa­karaming pakina­bang. Masu­werteng kulay-peach. Tips sa lotto-13-15-20-21-25-31.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis na maglalaho ang iyong lung­kot. Kaya matatawa ka sa sarili mo dahil sa una, akala mong natabunan ka na ng mundo, pero biglaang ang kaligayahan ay mapasa­sa­iyo. Masuwertenng ku­lay-red. Tips sa lotto-20-23-29-30-33-37.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumuha ka ng isa at da­lawa ang mapa­sa­saiyo, kumuha ka ng dalawa at tatlo ang mapasasaiyo. Ito ay nagsasabing, kailangang ikilos mo ang iyong mga ka­may nang sa gayun ay ma­galak ka nang todo. Ma­su­werteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-11-14-15-23-30.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page