Bebot na gustong mag-asawa pero nahihirapan dahil sa mga magulang

Dear Roma,
Ako si Fe, 23 years old. Gusto ko ng mag-asawa kapag tumuntong ako sa edad na 25, ‘yun nga lang, nahihirapan ako dahil sa mga magulang ko. Sa totoo lang, kahit na legal age na ako, eh, tinatrato pa rin nila akong bata. Sa ngayon, may BF ako at pareho kaming may trabaho. Sa tingin ninyo, dapat ko bang ituloy ang binabalak ko? — Fe
Fe,
Alam mo, iha, wala namang masama sa paghahangad na mag-asawa dahil sabi mo nga nasa legal age ka na, pero kung alam mong hindi pa puwede dahil sa estado ng iyong pamilya, kailangan mong mamili sa dalawa. Sa totoo lang, nasa sa iyo kung itutuloy mo ang iyong binabalak. Ang maipapayo namin sa iyo ay kausapin mo ang iyong mga magulang nang sa gayun ay hindi sila magdamdam sa iyo. Good luck at God bless sa iyo!





Comments