Sori na lang sa iba… ANNE, FIRST CELEB NA BINIGYAN NG FPJ MEMORIAL AWARD

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

SAMANTALA, ang aktres na si Anne Curtis naman ang kauna-unahang female celeb na nakatanggap ng Fernando Poe, Jr. Memorial Award para sa pelikulang Buybust kung saan gumanap siya bilang isang astiging police officer.
Naging makahulugan din ang award na ito kay Anne dahil isine-celebrate niya ang kanyang 22nd year sa showbiz industry.
Inialay naman ni Anne sa kanyang ina ang award na natanggap dahil bata pa lang daw siya ay pangarap na nitong maging aktres siya.
Aniya, “As mentioned earlier, I’m the 1st actress to receive the FPJ Memorial Award. I’m celebrating my 22nd year in this industry. I would like to dedicate this to my mom who has been dreaming to become an actress too. I pray that there be many more films with kick-ass female leads.”





Comments