Sey ng experts... OIL DIFFUSER, NAKABU-BOOST NG CONCENTRATION!

Usung-uso ngayong ang iba’t ibang klase ng oil diffuser dahil sa modernong panahon. Kung noon, eh, air freshener lang, sapat na, ngayon ay marami ng klase ng ‘oil flavor’ na inilalagay sa oil diffuser na bukod sa nakapagpapabango sa bahay, eh, maganda pa para sa kalusugan. Wow!
Ang oil diffuser ay ang gagdet na nagpa-process ng dispersing essential oil upang ang aroma ay kumalat sa loob ng kuwarto o lugar.
Sa kasalukuyan, maraming aromatherapy diffusers na ang nauuso na mabibili sa mga mall o tiangge na mainam din umano para sa kalusugan.
Gayunman, ang oil diffuser ay may kakayahang ma-boost ang ating memory at concentration, ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng peppermint, lavender, basil at sage na flavor ng oil.
Samantala, nakatutulong din ito sa weight management ng indibidwal dahil nakai-increase ito ng metabolismo, lalo na kung ang gagamitin mong flavor ay grapefruit, cinnamon at ginger.
Para sa mga beshy natin diyan na natatakot na makagat ng kung anu-anong insekto, oil diffuser na ang sagot sa problema ninyo.
Dagdag pa rito, nakai-increase ng enerhiya ang paggamit ng oil diffuser dahil may kakayahan itong i-relax ang ating katawan at isip, gayundin, napakakalma nito ang ating emosyon, kaya kung bad mood kayo, mga beshy, alam n’yo na, ha?
Kaya sa mga beshy natin diyan na bet bumili ng oil diffuser, ano pa ang hinihintay ninyo? Bili na! Make sure lang na ‘yung bibilhin ninyo, eh, dehins fake o madaling masira.
Copy?





Comments