Sa mga nabo-bored sa bahay kaya kain nang kain… MGA PAGKAING PUWEDENG GAWING SNACK NA DEHINS NAKAKAT
- Jersey Sanchez
- Apr 30, 2019
- 2 min read

DAHIL bakasyon, for sure, madalas tayong nabo-bored dahil nasa bahay lang tayo. Kapag bored, kung hindi natutulog, eh, kumakain ka, relate? Oks lang ‘yan, beshy, dahil dehins mo kailangang mag-worry sa pagtaba dahil narito ang ilang pagkain na hindi nakatataba na puwede ninyong gawing snack:
1. BLUEBERRY. Kilala ito dahil sa antioxidant property na taglay nito. Pero, ayon sa mga eksperto, ang 1 cup blueberry ay mayroon lamang 85 calories.
2. CUCUMBER. Ang pipino ay mayroong 16 calories sa bawat serving habang ang balat at buto nito ay naglalaman ng nutritional value. Dahil dito, mas maganda umanong hindi na ito balatan kapag kakainin. Gayundin, ang balat at buto nito ay mayroong fiber at beta-carotene na nakabubuti para sa mga mata.
3. TOMATO. Mayroon itong lycopene, uri ng carotenoid na nakatutulong para labanan ang chronic diseases. Gayundin, nagtataglay ito ng Vitamins A, C at B2, folate, chromium, potassium at fiber. Bukod pa rito, ang medium-sized na kamatis ay mayroong 25 calories.
4. BROCCOLI. Sey ng experts, pinakamasustansiya ito kung kakainin nang hilaw o steamed. Nagkokontamina ito ng sulforaphane, uri ng anticarcinogen na nakasisira ng kemikal na nakapagdudulot ng kanser. Bukod sa Vitamins A, C, E at K, ang isang serving nito ay mayroong 20% ng daily fiber requirement habang 31 calories per serving ang mayroon ito.
5. ORANGE. Kilala ang orange dahil sa Vitamin C na taglay nito, pero ayon sa mga eksperto, keri rin nitong panatilihin ang magandang kondisyon ng balat habang mayroon itong 80 calories per piece.
6. STRAWBERRY. Bukod sa antioxidant properties nito, maganda rin itong source ng potassium at fiber, gayundin ang strawberry na fat-free at cholesterol-free na nakabubuti para sa puso. Ang isang cup nito ay mayroon lamang 50 calories. Wow!
Siguradong may ilan dito na hindi ninyo kinakain, pero dahil hindi sila nakatataba, make sure you will give it a try! Kapag hindi ninyo nagustuhan, may ibang option pa naman. He-he-he!
Eat healthy mga beshy!
Okie?





Comments