Pinagkasunduan nina P-Duterte at Chinese Pres. Xi Jinping, ibulgar!
- BULGAR

- Apr 30, 2019
- 1 min read
BAKA ANG TRABAHO NA DAPAT MAPUNTA SA MGA PINOY, MGA CHINESE NA NAMAN ANG MAKINABANG —Tagumpay daw ang pagbisita ni P-Duterte sa China kasi nakapagkasa raw ito ng higit $12.165 billion investment deal na lilikha ng maraming trabaho para sa mga Pinoy.
Kung totoo ‘yan, dapat isapubliko ng Duterte gov’t. ang mga kasunduang pinasok nito sa Chinese gov’t. kasi baka ang mangyari, hindi sa mga Pinoy mapunta ang trabaho kundi sa mga Chinese laborer na naman? Period!
◘◘◘
NAPAKA-OA NG P10 MILYON REWARD SA ULO NI EX-COL. ACIERTO—Nagpalabas daw ng P10 milyon reward ang Malacañang para madakip ang isinasangkot nila sa iligal na droga na si ex-Police Col. Eduardo Acierto, dating drug enforcer na nagbulgar na drug lord ang adviser ni P-Duterte na si Chinese national Michael Yang.
Masyado naman yatang OA (overacting) ang reward na ‘yan kasi mantakin n’yo, kay Acierto ay P10 milyon ang reward, pero sa kumpareng drug lord ni P-Duterte na si Peter Lim, eh, P500K lang ang reward, pwe!
◘◘◘
SABLAY ANG PAGPAPASIKLAB NG PARAK KASI BATA ANG NAPATAY NITO AT HINDI ANG ILLEGAL DRUG SUSPECT—Sablay ang pagpapasiklab ni Caloocan City Police Cpl. Rocky delos Reyes nang pagbabarilin nito ang illegal drug suspect.
Kasi imbes na ang kanyang target ang tamaan ng bala, ang napatay nito ay ang 6-year old na paslit at nasapol din ng bala at nasugatan ang lola nito, hu-hu-hu!





Comments