top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Malinaw ayon sa birthday... BABAENG NAKATAKDANG MAKATULUYAN ANG LALAKING HINDI NANLALAIT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 30, 2019
  • 2 min read

Dear Maestro,

Tatlo na ang naging boyfriend ko na mga nakapagtapos ng pag-aaral, may magagandang career at may sinasabi sa buhay, kaya lang iisa ang naging kapalaran ko sa buhay nila, ayaw sa akin ng kanilang mga magulang dahil mahirap lang kami at hindi ako nakapagtapos kahit high school man lang.

Kaya kadalasan ay minamaliit at nila­lait ako ng mga magulang ng nagiging boy­friend ko.

Kaya ngayon, gusto kong tumama sa lotto upang muli akong makapag-aral at hindi na ako lait-laitin pa ng mga kamag-anak at magulang ng mga nagiging boy­friend ko.

May pag-asa kayang tumama ako sa lotto? Saang lotto outlet at anong mga nu­mero ang dapat kong tayaan? December 4, 1993 ang birthday ko.

Sino ang susunod na magiging boy­friend ko at kailan ako ma­kapag-aasawa nang hindi ako minamaliit at nilalait-lait?

Umaasa,

Ms. Lonely ng Halang, Naic, Cavite

Sa iyo Ms. Lonely,

Ayon sa birthday mong 4 sa destiny number mong 2 (12+4+199 3=2009/ 20+ 09=29/ 2+9=11/ 1+1=2) sa zodiac sign mong Sagittarius, lalaking isini­lang sa buwan ng Mayo na may mga birth date na 7, 16 o kaya ay 25 ang magiging boy­friend mo hang­gang sa tuluyang mapanga­sawa ngayong 2019, sa edad mong 25 pataas.

Ang nasabing lalaki ay ka-level din ng social status mo sa kasalukuyan, kaya hindi ka na lalaitin at mamaliitin pa ng kanyang mga magulang kung saan ang nasabing relasyon na inyong bubuuin ay may pa­nga­ko ng panghabambuhay at maligayang pagmamahalan.

Samantala, upang makasapol ka ng malaking halaga sa lotto o sa anumang uri ng pakikipagsapalaran, maghanap ka ng lotto outlet na malapit sa Simbahan o anumang bahay-dalanginan. Ang lotto outlet na ito ang magpapatama sa iyo ng jackpot.

Samantala, Ms. Lonely, sa totoo lang, hindi mo naman kailangang yumaman o makapag-aral upang lumigaya sa pag-ibig at magkaroon ng masayang pamilya, sa halip, kusang darating sa iyo ang nabanggit na kapalaran, basta ang mapapa­ngasawa mong lalaki ay nagtataglay ng zodiac signs na Taurus o Gemini na binanggit na ang birth date sa itaas.

Sa piling ng lalaking nabanggit, tulad ng naipaliwanag na, dahil ka-compatible mo siya, may pangako ng hindi lang maligaya at panghabambuhay na samahan kundi may maunlad at masaganang pagpapamilya, habambuhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page