HOROSCOPE | ABRIL 30, 2019 (Martes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG ABRIL 30, 2019 (Martes): Sasaklolohan ka ng mga suwerte sa mga panahon na akala ng iyong mga kalaban ay mahina ka at wala kang magagawa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magbubunga ang mga pagsisikap mo at may dagdag na magandang balita para sa iyo na nagsasabing, may mga suwerteng regalo sa iyo ang langit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-20-23-30-36-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pahinga ang kailangan mo, pero ang pahingang ito ay ang pamamahinga habang nagsasaya. Sa ganito, hindi lang nagbabalik ang sigla at lakas ng tao kundi bumabalik din ang kanyang mga suwerte. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-21-25-26-33-42.
GEMINI (May 21- June 20) - Walang epekto sa iyo ang init ng panahon dahil ang pahahalagahan mo ay ang gumagandang takbo ng iyong pinagkakakitaan. Nasa tamang pagkilos ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-13-20-28-35-36.
CANCER (June 21- July 22) - Susuwertehin ka ngayon. Masosorpresa ang mga kalaban mo dahil akala nila ay wala ka ng magagawa, kumbaga, talo ka na at iiyak ka na lang. Sa huli, ang huling halakhak ay para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-14-26-30-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Muling nagbalik ang mga araw kung kailan hindi pahahalagahan ng ibang tao kung naniniwala ka o hindi sa kapalaran, ibig sabihin, susuwertehin ka kahit sino at ano ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-22-25-27-34-39.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bumanat ka nang may saya sa kilos at pananalita. Sumugod ka sa ganitong kalagayan, tiyak na tiyak na hindi lang isa ang darating na suwerte sa iyo dahil ang mga ito ay sobrang darami. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-11-13-25-31-33.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gawin mong puhunan ang ilang suwerteng mapasasaiyo. Ipagpaliban mo muna ang pagsasaya kasama ang iyong mga kaibigan. Mas magandang ang unahin mo ay ang pagpapatatag ng iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-17-20-21-27-46.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi mo kailangan ang tulong ng iba. May kakayahan kang paunlarin ang sarili mo. Gayunman, huwag mong tanggihan ang mga aalalay sa iyo na mayroong dalisay at wagas na puso. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-16-20-24-27-30.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lihim kang tatama kapag ang mga karibal mo ay nakapoporma dahil ang kondisyon para mahulog sa iyo ang malalaking suwerte ay kapag isinantabi ka nila. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-8-13-15-23-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tumatapon ang tubig kapag umaapaw ang baso. Huwag mong panghinayangan ang mga mawawala sa iyo, palatandaan ito na anumang araw ay daragsa sa iyo ang napakaraming suwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-16-21-27-38-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magtutuluy-tuloy ang mga suwerte mo kahit pa nakararanas ka ng hindi gaanong magandang araw. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-10-18-26-34-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakapapagod kahit wala kang ginagawa kapag ang panahon ay maalinsangan. Ang nakapagtataka, mas magandang magpagod sa ganitong sitwasyon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-19-20-21-27-35.




Comments