Ayon sa mga eksperto... MGA NANAY NA MAY MATAMBOK NA PUWIT, POSIBLENG MAGKAROON NG ANAK NA MATALINO!


IKAW ba ay mommy na nabiyayaan ng malaking puwit? Good ‘yan dahil ayon sa pag-aaral, ang mga babae na may malaking puwit ay posibleng magkaroon ng anak na matalino!
Weh, ‘di nga?
Sa pag-aaral na nai-conduct sa University of Oxford, sinasabing ang mga babaeng may malaking puwit ay matatalino at malulusog kung saan sila ang may abilidad na labanan ang mga long-term disease, magkaroon ng better cholesterol at i-regulate ang glucose.
Kaya naman sa oras na nagkaroon sila ng anak ay maaari nilang maipasa ang ganitong kakayahan.
Gayunman, ang koneksiyon sa pagiging matalino ng mga bata ay dahil sa Omega-3 fatty acid na naipapasa sa sanggol sa pamamagitan ng breast milk, partikular kung nagbe-breastfeed ang nanay. Ang Omega-3 ay nakatutulong sa brain development kung saan napatataas nito ang IQ ng indibidwal.
Samantala, ang Snopes ay nagsagawa ng artikulo kung saan bukod sa sukat ng puwit ay maibabase rin daw ang pagiging matalino sa laki ng waist-to-hip ratio.
Dagdag pa rito, knows ba ninyo na ang mga taong may malalaking hita, puwit at balakang ay kayang labanan ang panganib sa pagkakaroon ng diabetes, heart disease at iba pang kondisyon na may kaugnayan sa obesity?
Kaya kung ikaw ay babaeng malaki ang puwit at binabalak ng magkaroon ng anak, alam mo na, ha? Matalino ang magiging anak mo. He-he-he!
Minsan, ang pagkakaroon ng malalaking hita at iba pang parte ng katawan na sa tingin natin ay hindi magandang tingnan ay mayroon palang benepisyo sa ating kalusugan.
Kaya embrace your flaws, mga beshy!
Copy?





Comments