top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Todo-push kay Nadine… DIREK ERIK, AYAW DAW KAY LIZA BILANG DARNA, NIRESBAKAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 29, 2019
  • 1 min read

NILINAW ni Direk Erik Matti ang tungkol sa naging statement niya na si Nadine Lustre ang choice niya to replace Liza Soberano sa peli­kulang Darna.

May mga nang-bash kasi kay direk dahil sa statement niyang ito at inakalang hindi niya gusto si Liza para maging Darna. May nagsabi rin na nakikialam pa siya gayung nag-resign na nga siya bilang direktor ng pelikula.

‘Yung iba naman, na-misinterpret din na kumpirmado nang si Nadine na nga ang napili para sa much-coveted role.

Paliwanag ni Direk Erik sa Twitter, ito ay personal opinion lang niya at depende pa rin sa producer ang pagpili.

Mahirap magpali­wa­nag sa mga taong ‘di maru­nong magbasa at makain­tindi. Tatagalugin ko na. Pag-alis ni Liza na first choice ko, si Nadine lang ang nakikita kong puwe­deng pumalit as Darna. Pero ako lang ‘yan. Depen­de pa rin ‘yan sa Abs-Cbn at sa director ng Darna,” tweet ni Direk Erik.

Samantala, pagkatapos mag-resign sa Darna noong October last year ay nagka­roon ng time ang direktor para gumawa ng bagong pelikula, ang horror film na Kuwaresma starring Sha­ron Cuneta and John Arcilla na showing na sa May 15.

Naka-standby ako sa Darna, ‘di ba, for the longest time? Wala akong ma­planong gawin except On the Job 2 kasi nauna na ‘yun, nasimulan na namin. So, si Dondon (Monteverde of Reality Films), parang nanghihina­yang siya na nakaabang kami na mata­pos ang Dar­na, saka kami gagawa ng movie,” ku­wento ni direk sa presscon ng Kuwa­resma.

Kaya nang umalis daw siya sa Darna ay kaagad sinabi ni Dondon na gawa sila ng pelikula and this time ay horror naman. At doon na nabuo ang Ku­waresma.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page