Synagogue niratrat, 1 utas
NASA kustodiya na ng pulisya ang 19-anyos na lalaki matapos mamaril sa loob ng synagogue o house of worship ng mga Jewish sa Poway City, California.
Isa ang naitalang patay habang tatlo ang sugatan sa insidente. Gayunman, naniniwala si US President Donald Trump na hate crime ang insidente.
“At this moment, it looks like a hate crime. Hard to believe,” ani Trump.
Ayon kay San Diego County Sheriff Bill Glore, nagtamo ng minor injuries ang mga nasugatan.
Sa panayam, nabanggit ni Glore na gumamit ng AR-type assault weapon ang salarin.
Batay sa ulat, ipinagbigay-alam ng suspek ang kanyang lokasyon bago sumuko sa pulisya.
Sinusuri na ng mga awtoridad ang social media posts at umano’y open letter ng suspek kung may kaugnayan ito sa motibo sa krimen.





Comments