lalo na at nakaramdam tayo ng sakuna noong mga nakaraang linggo... EARTH FRIENDLY TIPS UPANG MABAWAS
- Jersey Sanchez
- Apr 29, 2019
- 2 min read

MATAPOS ang Earth Day noong nakaraang linggo, naranasan sa ating bansa ang ilang serye ng pagyanig kung saan inihalintulad pa ito ng mga opisyal bilang pagpaparamdam ng Earth sa atin. Gayunman, bilang mamamayan, dapat nating bawasan ang basurang naiipon natin, lalo na kung karamihan dito ay plastik. Mga besh, narito ang ilang ‘Earth friendly’ tips upang mabawasan ang basura na naiipon natin, araw- araw:
1. BRING REUSABLE BAGS. ‘Ika nga nila, maikokonsidera bilang stress reliever ang paggo-grocery. Pero, nakai-stress kapag hindi keri ng paper bag ang mga ipinamili mo kaya wala kang choice kundi gumamit ng plastic bag.
Gayunman, maaaring maiwasan ang paulit-ulit na pagbili ng plastic bag tuwing mamimili kung gagamit ka ng reusable tote bag. Mainam na palaging magdala nito dahil siguradong marami pa itong puwedeng paggamitan.
2. BUY IN BULK. Nasanay tayong mga Pinoy na bumili ng mga pang-araw-araw na pangangailangan natin nang naka-sachet o ‘tingi’, partikular sa shampoo, sabon at iba pa dahil isa itong paraan ng pagtitipid.
Yes, besh, nakatitipid tayo kahit papaano, pero mas malaki ang matitipid natin kung bibili tayo ng maramihan o nakabote. Kung mas kaunting packaging ang nagamit, mababawasan din ang basurang itatapon natin. Okie?
3. INVEST IN HIGH QUALITY PRODUCTS. Walang masamang bumili ng mas murang produkto o kagamitan, pero, kung madali itong masisira, siguradong itatapon at papalitan natin ito kaagad, agree?
Kung afford naman natin, besh, mabuting mag-invest tayo sa mga gamit na mayroong magandang kalidad dahil siguradong mas matagal itong magagamit at hindi natin ito basta-basta itatapon.
4. STOP BUYING BOTTLED WATER. Kapag nauuhaw tayo, napakadaling bumili ng bottled water sa mga tindahan o convenient store at kapag naubos na ang laman nito, madali ring itapon ang bote.
Sa kabila ng convenience na ito, wala itong naidudulot na convenience sa ating kalikasan dahil kung gaano kadaling bumili at magtapon ng plastic bottles, hindi ito ganu’n kadaling i-decompose.
Upang maiwasan ang paulit-ulit na pagbili at pagtatapon, mabuting gumamit ng water tumbler na puwede mong dalhin tuwing lalabas ka ng bahay.
5. RECYCLE & REUSE. For sure, may mga pagkakataong hindi natin maiiwasang bumili ng mga produkto na nakalagay sa plastic container, mabuting huwag kaagad itapon ang container o plastic bag dahil siguradong puwede pa itong magamit sa ibang paraan.
Halimbawa nito ay ang paggamit ng plastic bags bilang garbage bag, pagre-refill ng containers at iba pa.
Sa totoo lang, kailangan talaga nating maglaan ng extra effort nang sa gayun ay makatulong tayo sa ating kalikasan.
Gayunman, siguradong magiging worth it ang lahat ng effort na gagawin natin para sa ikabubuti ng ating kapaligiran.
Hindi man natin kaagad mabawasan ang basurang naiipon natin, matuto tayong magtapon sa tamang basurahan at hindi kung saan-saan lamang. Gets mo?





Comments