Kelot timbog sa boga
PAMPANGA — Isang lalaki ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng baril, kamakalawa sa Bgy. Pampang, Angeles City sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Roy Lopez, residente ng nasabing barangay.
Ayon sa ulat, sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte ay sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ni Lopez sa naturang barangay at dito nakumpiska ang baril at mga bala na walang kaukulang mga dokumento.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong illegal possession of firearm and ammunitions at paglabag sa election gun ban.





Comments