top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

HOROSCOPE | ABRIL 29, 2019 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 29, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG ABRIL 29, 2019 (Lunes): Ginaga­ran­tiyahan ng araw na ito ng iyong pagsilang na ikaw ay yayaman, lalo na kung gusto mo tala­gang yumaman. Tandaan mo, hindi lahat ng gustong yu­maman ay yumayaman.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyo ang araw na ito at ang ilang mga araw pang darating. Ga­win mo na ang gusto mong ga­win at unahin ang mga hindi mo nagawa sa na­karaan dahil ikaw ay na­duwag. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-18-20-23-29-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mawa­wala ang pag-a­alinlangan mo sa iyong sarili. Ikaw mis­mo ay magugulat sa ka­totohanang nagtata­gum­­pay ang tao kapag hindi nag-aalinlangan. Masu­werteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-24-29-30-31-36.

GEMINI (May 21- June 20) - Ma­mili ka sa maga­ga­ndang opor­tunidad na nasa iyong ha­rapan. Ikonsidera mo ang may kaugnayan sa iyong pangarap nang sa gayun ay mas bumilis pa ang iyong pag-unlad. Ma­suwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-18-25-31-33-39.

CANCER (June 21- July 22) - Piliin mo ang pagkilos kaysa sa pana­nahimik. Mas maganda pa rin ang may mga suli­ranin, pero may tsansang maabot ang mga panga­rap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­wer­teng kulay-green. Tips sa lotto-8-16-20-24-31-45.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ki­kilos ang iyong kapalaran at ang mga had­lang at sagabal sa mga plano mo ay mawawala. Ito ay kailangang mang­yari nang sa gayun ay lu­makas ang loob mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yel­low. Tips sa lotto-13-18-22-29-30-39.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ilalapit ka mis­mo ng iyong kapalaran sa mga taong makatutulong sa iyo. Sila ay makata­tanggap ng utos na ikaw ay paboran. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng ku­lay-purple. Tips sa lotto-14-16-21-25-30-43.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung saan may pakina­bang, doon ka! Rito sa mundo, ang lahat ay kailangang mag­hangad. Ang sinasabing huwag maghangad ay mula sa mapagkunwaring mga ni­lalang. Masuwerteng ku­lay-pink. Tips sa lotto-19-20-35-40-41-46.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong kali­mu­tan na ang ma­bilisang pagkakaroon ng kita na hin­di pinag­hira­pan ay isang klase ng pan­loloko. Hu­wag kang magbulag-bula­gan dahil ang gani­tong balita ay pa­ulit-ulit na. Ma­suwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-10-13-15-23-33-37.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kuma­ka­in ang nagu­gutom at siya ay nabubusog. Kumilos ka at ang kahirapan ay iyong labanan. Lolobo ang iyong kabuhayan. Masuwer­teng ku­lay-blue. Tips sa lotto-5-11-15-16-21-28.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Masaya ang buhay ka­pag halu-halo ang aktibidad. Kahit nga­yong tag-init, masarap ku­main ng halo-halo. Gawin mo ito upang matalo mo ang pagkabagot. Masuwer­teng kulay-black. Tips sa lotto-12-19-20-29-35-39.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magsaya ka! Ngayon ang takdang panahon para sa pagsa­saya. Kalimutan mo muna ang mga problema. May panahon pa para harapin ang mga ito. Masuwer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-17-20-24-30-35-45.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Susuwertehin ka at kakapal ang laman ng bulsa mo, pero kung sa­sayangin mo ito sa pagsa­saya, maaaring hindi mo paniwalaan, pero puwede kang mabaon sa utang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-16-22-26-36-37.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page