Anak niya, inahas daw si Luis kay Angel… RESBAK NG MADIR NI JESSY: 'PAG DI KAYO TUMIGIL, MAWIWIN
- BULGAR

- Apr 29, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

PALIBHASA’Y isang ina, hindi nakatiis ang mother ni Jessy Mendiola na ‘di sagutin ang mga bashers ng kanyang anak.
Lumang isyu na ang ipinupukol ng basher kay Jessy at ‘yun ay ang pang-aagaw umano ng boyfriend ng may boyfriend. Ang tinutukoy ay si Luis Manzano na boyfriend noon ni Angel Locsin.
Kaya raw nagkahiwalay ang dalawa ay dahil inahas umano ni Jessy ang TV host-actor.
Sinabihan ng mother ni Jessy ang netizen na tigilan na ang panghahamak nito sa kanyang anak dahil ‘di naman daw nito alam ang puno’t dulo ng isyu.
May threat pa ang ina ng Kapamilya actress na may ilalabas siyang ‘bomba’ kapag hindi tumigil sa pag-aakusa ang netizen sa kanyang anak na wala naman daw katotohanan.
Ayon sa mother ni Jessy sa kanyang socmed account, “Basa-basa din kayo kung ano ‘yung totoo, open-open din ng eyes. Kaso matagal na rin ako nagtitimpi sa inyong lahat, baka lang may ilabas ako sa totoong pangyayari, mawindang kayo. Kaya ‘di bale na, oks lang ‘yan, habang kaya pa ng anak ko mga pang-aapi n’yo, kakayanin ko po…”
Maging si Luis ay dinepensahan ang girlfriend sa mga bashers.





Comments