10 GOLD MEDAL, HINAKOT NG ‘PINAS SA ARAFURA GAMES

KUMOPO ng 10 gintong medalya ang Pilipinas sa unang araw ng kompetisyon sa 2019 Arafura Games noong Sabado sa Darwin Australia.
Kumuha ng tig-dalawang ginto sina Lora Micah Amogius ng swimming at John Lloyd Cabalo ng athletics upang pangunahan ang Pilipinas sa pagsungkit ng gintong medalya. Nasikwat ni Amogius ang ginto sa 13-14 100m backstroke pagkaraang makuha ang oras na 1:10.53. Nakuha din ni Amogius ang ginto sa 200m individual medley sa pagkuha ng oras na 2:33.63.
Samantala, nakuha rin ni Cabalo ang korona sa men’s 400m at 4x100m relay para makakuha rin ng dalawang ginto para sa Pilipinas. Nag-uwi rin ng ginto sina Ivo Nikolai Enot (13-14 men’s 100m backstroke) sa swimming, at Abigail Manzano (women’s 3,000m steeplechase), Nicko Caparoso (men’s 3,000m steeplechase), Bruce Fernia (men’s javelin throw), Jessel Lumapas (women’s 400m run), at Mark Anthony Casena (men’s triple jump) sa athletics.
“I’m really happy and I broke all my times. I’m very, very happy and honored to swim for the Philippines because it’s my country and I’m proud to be a Filipino,” wika ni Amogius na sa nakaraang Batang Pinoy sa Mindanao leg ay nakakuha rin ng ginto. “Pangarap ko talaga mag-gold dito sa Australia kasi hindi basta basta ‘yung mga kalaban at sobrang lalaki din talaga. Kanina halos hanggang dibdib lang din ako ng mga tiga-Australia,” saad ni Cabalo.





Comments