Wanted na killer dedo sa shootout
ILOILO—Isang wanted na killer ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya, kamakalawa sa Bgy. Tambunak, Dingle sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Rammy Enojo, nakatira sa nabanggit na bayan.
Nabatid na aarestuhin ng pulisya si Enojo sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder, pero nanlaban at pinagbabaril ng suspek ang mga awtoridad.
Dahil dito, napilitan ang pulisya na gumanti ng putok kaya napatay si Enojo.





Comments