Wala raw kasalanan sa kanya… SIGAW NI KRIS: ‘WAG NINYONG TAWAGING KABIT SI GRETCHEN

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

ABA! Sa kabila ng mga pang-iinsulto at masasakit na salita na ibinabato ni Gretchen Barretto kay Kris Aquino, nagpaliwanag ang huli sa isang netizen kung bakit hindi siya pumapatol sa mga banat sa kanya ng aktres at ipinagtanggol pa si La Greta nang tawaging ‘kabit’.
May isang netizen kasi ang hindi nakapagtimpi at sinabing sana raw ay hindi na makialam si Gretchen sa kasong kinasasangkutan ni Kris at tinawag pa itong kabit.
Sa puntong ito, nag-reply si Kris at sinabihan ang netizen na huwag daw tawaging kabit si Gretchen.
Panimula ni Kris, “Granted she may hate me- but don’t you think the 2 facing criminal charges are amplifying her in order to distract people’s anger from them?”
Sa puntong ito, in-explain ni Kris kung bakit hindi siya pumapatol kay Gretchen.
Aniya, “Kasi hindi niya ninakawan ang mga anak ko. And please stop calling her a mistress.”
Sinabi rin ni Kris na ang ama ng anak ni Greta na si Tonyboy ay second cousin niya at pinsan ni former President Cory Aquino ang ama ng long-time partner ni Greta.
Dagdag pa niya, “At the end of the day, her daughter’s father is still my second cousin. His dad & my mom are 1st cousins. His lolo & my lolo are brothers.”
Paliwanag pa ni Kris, “So dedma na lang sa rants because I love my mom & mom always had a soft spot for Tonyboy.”
Kaya nakiusap si Kris na pamarisan siya ng mga netizens sa pandededmang ginagawa niya kay Gretchen.
“So, please follow my example? Para na lang sa memory ng mom ko. [yellow heart],” pakiusap ni Kris.





Comments