Sa IG na lang nag-promote… GABBY, NO SHOW SA PRESSCON NG MOVIE NILA NI JODI
- BULGAR

- Apr 28, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

HINDI dumating si Gabby Concepcion sa presscon ng Cineko Films Mother’s Day presentation na Man and Wife na first time nilang pinagtambalan ni Jodi Santamaria.
May taping daw si Gabby ng Love You Two kaya hindi nakarating sa presscon. Sina Jodi at Direk Laurice Guillen lang ang humarap sa media at nagkuwento sa story ng Man and Wife na modern version ng Gulong ng Palad.
In fairness kay Gabby, kahit wala sa presscon at kahit wala pang presscon, ipino-promote na niya ang pelikula sa Instagram (IG) account niya, Masipag siyang i-promote ang pelikulang showing sa May 8. Nauna nang ipinost ni Gabby ang poster nila ni Jodi at ang video ng kanilang pictorial.
Pati nga ang block screening ng Man and Wife na gagawin sa Fishermall sa May 12, ipinost na ni Gabby. Isa ito sa mga maipupuri sa kanya, basta may project, todo siya sa pagpo-promote sa IG niya, kaya natutuwa sa kanya ang mga producers na kumukuha sa kanya.
Dahil sa leading lady niyang si Jodi, consistent si Gabby sa pagkakaroon ng mas bata sa kanyang kapareha. Inisyu sa kanya na mas bata sa kanya sina Jennylyn Mercado na leading lady niya sa rom-com series ng GMA-7 na Love You Two at si Shaira Diaz na may gusto sa kanya sa series.
Hindi nao-offend si Gabby ‘pag sinasabing puwede siyang kuya at tito ng dalawa dahil papasa pa rin siyang leading man ng younger actresses.





Comments