Para raw iwas-nega ang baby nila ni Chiz… PRAMIS NI HEART: MAG-A-ANNOUNCE LANG AKO 'PAG NAKAPANG


SA kanyang Instagram account ay sinagot ni Heart Evangelista ang tanong ng isang netizen kung kailan nila plano ulit magkaroon ng baby ng mister na si Sen. Chiz Escudero.
Ayon kay Heart, ita-try nila ulit next year.
“I am currently focusing on what the universe all of a sudden presented to me and so maybe we try again end of next year,” sagot ni Heart.
‘Yun nga lang, may bagong isinet na rule si Heart kung sakaling mabubuntis siya ulit.
“But one thing is for sure, I will announce only when I give birth. I will make sure to protect my baby from any kind of negative energy,” pahayag pa ng aktres.
Well, naniniwala naman kami na mabe-bless din si Heart ng baby or babies pa kung papalarin. At naiintindihan naman namin kung ayaw na niyang ipaalam pa sa mundo if ever dahil hindi nga biro ang pinagdaanan niya nang magkaroon siya ng miscarriage.





Comments