Mga pasaway na turista, dagsa na naman sa Boracay Island!
- BULGAR

- Apr 28, 2019
- 1 min read

MATAPOS ang paglilinis at pagsailalim sa rehabilitasiyon ng Boracay Island, dumarami na rin ang mga turistang bumibisita rito para magbakasyon.
Upang mapanatili ang kalinisan at kagandahan ng isla, nagpatupad ang mga opisyal ng mga ordinansa rito.
Bagama’t, may mga bakasyunistang sumusunod sa mga ipinatupad na ordinansa, mayroon ding dedma o hindi sumusunod.
Ayon opisyal ng isla, top violator ang mga turistang Chinese kung saan umabot sa 739 ang nahuling lumabag sa iba’t ibang ordinansa mula noong Enero 2019.
Pumangalawa naman ang mga Koreano na nagtala ng 277 paglabag.
Dagdag pa ng opisyal, bagama’t, patuloy ang pagpapaalala ng mga tour guide sa mga turista na sumunod sa ordinansa, matigas umano ang ulo ng mga ito.
Kabilang sa mga karaniwang nilalabag ay ang anti-smoking, pagkakalat at pagkain sa beach.
Dahil dito, dapat umanong managot ang sinumang mapatutunayang lalabag.
Bilang responsableng mamamayan, dapat seryosohin at pahalagahan ang mga batas na ipinatutupad dahil ginawa ang mga ito hindi para basahin lamang kundi para sundin, anuman ang lahi natin.





Comments