May anak pa naman… RUFA MAE, LITUNG-LITO SA PAGHIHIWALAY NILA NG MISTER
- BULGAR

- Apr 28, 2019
- 1 min read

DAPAT na timbanging mabuti ni Rufa Mae Quinto kung ano ang kanyang priority sa buhay. Career o ang pagkakaroon ng buo at maayos na pamilya?
Nasa punto siya ng kanyang buhay na kailangang mamili kung ano ang mas mahalaga sa kanya.
Nasa Amerika ang mister niyang si Trevor Magallanes na isa nang ganap na policeman. Doon na gustong tumira ng kanyang mister at gusto nitong magsama-sama na sila.
Pero, si Rufa Mae ay may career pa rito sa ‘Pinas. May TV show siya at pelikula. Hindi naman puwedeng forever silang magkahiwalay at nasa America ang ama ng kanyang anak. Dapat na isaalang-alang ni RMQ ang kanyang anak sa gagawin niyang desisyon!





Comments