top of page

Keri itong makatulong sa digestive, kidney at liver health, beshy! IBA’T IBANG BENEPISYO NG BUTO NG

  • Ronalyn
  • Apr 28, 2019
  • 2 min read

PAPAYA, minsan pampaputi, minsan panggamot. Pero mga ‘tol, huwag ninyong ngatngatin ang sabong papaya, ha? Knows ba ninyong ang papaya ay tinaguriang user-friendly fruit? Oh, ‘di ba, parang cellphone lang? Charot! Ito ang bansag sa prutas na ito dahil sa papaya, walang tapon. Lahat may pakina­bang hanggang sa ugat.

Patok ang papaya sa panlasang Pinoy dahil sa sarap na taglay nito, pero sa tuwing kakain tayo nito, madalas itinatapon natin ang buto, ‘di ba? Alam n’yo ba na maaari ring kainin ang buto ng papaya at nakagagamot ito ng iba’t ibang sakit tulad ng sakit sa atay at dengue?

Sey ng experts, ang buto ng papaya ay mayaman sa fiber, calcium, phosphorus, iron, papain, thiamine, niacin at vitamins na nakapag­papalakas ng bituka at immune system.

Narito ang mga health benefit ng buto ng papaya:

1. LIVER HEALTH. Ang nutrients ng buto ng papaya ay maaaring gamiting panggamot sa liver cirrhosis o pagkasira ng atay. Ayon sa mga eksperto, ang lima hanggang anim na buto nito ay maaaring dikdikin o durugin at ihalo sa pagkain o juice na iinumin. Ang isang buwang pagkain ng kaunting buto ng papaya ay makatutulong upang tanggalin ang mga dumi sa atay at makaiwas sa mga sakit.

2. KIDNEY HEALTH. Ang kidney ay ang responsable sa pagsala ng mga dumi sa katawan at kadalasan ang mga kinakain natin ay punumpuno ng toxins, kaya nauso ang mga sakit na may kaugnayan sa urinary tract infection (UTI) dahil naiipon nang naiipon ang mga dumi rito. Ayon kay Pallavi Jassal, isang nutritionist, maaaring maiwasan ang sakit sa bato o kidney sa pagnguya ng 15-20 buto ng papaya sa loob ng tatlong linggo tuwing umaga. Ang carpaine na taglay ng buto ng papaya ay nakapagpapagaling ng damage na bato at tumutulong upang mailabas ang mga dumi sa katawan sa pamamagitan ng pag-ihi.

3. STRONGER BONES. Dahil mayaman ito sa calcium, protein at anti-inflamatory agents, mabisa itong panggamot sa arthritis at joint pain, gayundin, pinalalakas nito ang ating buto at muscles.

4. PROTECT DIGESTIVE SYSTEM & IMPROVE INTESTINAL HEALTH. Ayon sa pag-aaral, dahil sa taglay nitong carpaine, iniingatan nito ang digestive system sa pamamagitan ng pagtaboy at pagpatay sa mga parasite at bacteria tulad ng E. coli, staphylococcus at salmonella. Mabisa rin itong gamot sa kaso ng food poisoning, dengue at typhoid.

5. HELPS FIGHT CANCER. Ang cancer cells ay madalas nababalutan ng tinatawag na fibrin kaya hindi kaagad nade-detect ng mga doktor. Ayon kay Dr. Neethu S. Kumar, ang “papain” na taglay ng papaya ay sumisira ng fibrin na mainam upang madaling matuklasan ang cancer. Nakasaad din sa Journal of Ethnopharmacology na ang mga mananaliksik mula sa US at Japan ay nakadiskubre ng enzymes na matatagpuan sa buto ng papaya, ang isothiocyanate na epektibong panlaban sa colon, breast, lung, leukemia at prostate cancer.

Ayon sa aklat na “In: Fruits of warm climate” na isinulat ng author at Research Professor of Biology na si Julia F, Morton, ang buto ng papaya ay dinala sa Pilipinas ng mga Espanyol noong 1550. Ngayong alam na natin ang mga benepisyo nito, mga ‘tol!

Panatilihing malusog ang katawan sa natural na pamamaraan, okiee?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page