top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kalapati na naging anghel

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 28, 2019
2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Angelica ng Angelica_Atupan_Romero @facebook.com

Dear Professor,

Nakaupo ako sa ilalim ng puno, tapos, sa malayo nakakita ako ng 3 puting kalapati.

Napansin ko sila dahil nagliliwanag sila. Nang papalapit na sila ay bigla silang naging anghel.

‘Yung mga batang anghel na dilaw ang bu­hok. Hihintayin ko ang sa­got ninyo.

Salamat!

Naghihintay,

Angelica

Sa iyo Angelica,

Sobrang lungkot mo, iha, maraming dahilan kaya ang tao ay malungkot. Una, kapag babae o dalaga ka, ang love life mo ay ma­raming problema, gayun­din ang mga lalaki dahil ang problema sa love life ay sanhi ng sobrang ka­lungkutan.

Kapag hindi maganda ang trato sa iyo ng iyong mga kapamilya, ikaw din ay makararamdam ng sob­rang kalungkutan. Ang pa­kiramdam na mahina, ma­las at walang inaasahang magandang kinabukasan ay ganundin ang epekto sa tao.

Pero, para sa mga na­kapanaginip ng tulad sa iyo, ang magandang balita ay nagsasabing huwag kang malungkot, Ange­lica, dahil mahal na mahal ka ni Lord. Hindi ka Niya paba­bayaan at sasamahan ka Niya sa iyong kalung­ku­tan.

Ito ay masayang balita dahil kapag ang tao ay si­nasamahan ni Lord na sa wikang English ay “I am with you, says the Lord.” Ituturo Niya sa iyo ang mga bagay na dapat mong gawin. Siya si Lord, pero sa pagkakataong ito, Siya ang iyong bestfriend na ga­gabayan ka para sa ikaga­ganda ng buhay mo.

Totoong ang nakita mo sa panaginip ay tatlong anghel, pero ang isa pang katotohanan, kasabay ng pagbaba ng tatlong ang­hel, nandu’n si Lord, hindi mo Siya nakita, pero Siya ay nasa tabi mo at tulad ng nasabi na “the Lord is with you.”

Napakasuwerte ng taong nakatabi si Lord da­hil ito ang pagkakataon na puwede niyang hilingin ang kanyang pinakagusto sa buhay. Kaya, humiling ka na, Angelica, hilingin mo na ang iyong pinaka­gusto sa buhay at makaaasa ka na ito ay matutupad da­hil hindi ka bibiguin ni Lord.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page