top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

HOROSCOPE | ABRIL 28, 2019 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 28, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG ABRIL 28, 2019 (Linggo): Hindi ka iiwanan ng iyong kapala­ran kahit sa pinakama­hirap mong kalagayan. Ki­kilos ito upang bigyan ka ng isa pang magandang pagkakataon.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Malakas ang iyong karisma ngayon na maa­aring maging malakas na gayuma. Mag-ingat ka da­hil kahit ang mga wala ng karapatan ay mangangarap na angkinin ka. Masuwer­teng kulay-peach. Tips sa lotto-19-20-24-28-30-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon ang masuwerteng panahon kung kailan puwedeng-puwede mong mapalago ang iyong kabuhayan at puwede ring mapasaiyo ang kaligayahan sa pakikipagrelasyon. Ma­suwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-18-21-24-27-35.

GEMINI (May 21- June 20) - Lumayo ka sa mapanuksong kilos at panana­lita. Ang tukso ay nakasi­sira ng kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-20-21-24-28-36.

CANCER (June 21- July 22) - Dadalawin ka ng saya, kaya kahit pa ang pa­kiramdam mo ay nalu­lung­kot ka, ikaw pa rin ay sa­saya. Ang saya ay nagbu­bunga ng mga kilos na ma­ganda. Masuwerteng ku­lay-white. Tips sa lotto-15-17-20-25-30-33.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi naaawat ang mga suwerte ka­pag dumara­ting ito sa buhay. Ang totoo nga, kahit ano pa siya, mali man ang diskarte niya o wala siyang kadiska-diskarte, susuwertehin pa rin siya. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-11-12-15-20-21.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Walang limi­tasyon ang tao kung tagum­pay ang pag-uusapan. Kaya kung hindi ka hihinto sa pag­papayaman, ang yaman mo, sa maniwala ka o hin­di ay hindi na mabibilang pa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-20-23-26-34-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Humiwalay ka sa nagpapahi­rap sa iyo. Hin­di tama na mahihirapan ka dahil hindi ka isinilang para maghirap. Ang para sa iyo ay masarap na bu­hay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-18-22-26-34-38-45.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung saan may magan­dang pagka­kataon na mapaunlad mo pa ang buhay mo, ‘yun ang piliin mo kahit maganda ang iyong kalagayan nga­yon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-10-13-14-26-34.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Umiwas ka sa mga pa­laangal. Baka mahawa at magtampo sa iyo ang langit. Ang mga pa­la­angal kahit kailan ay wa­lang pag-asenso dahil sa pag-iisip ng negatibo. Masu­werteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-14-15-29-30-35.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Masuwer­te ka ngayon. Sino ang ma­malasin? Eh, sino pa nga ba kundi ang mga kontra­bida sa buhay mo at ang mga walang magawa kun­di ang siraan ka. Masuwer­teng kulay-blue. Tips sa lotto-13-21-29-33-38-46.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakali­lito ang sitwas­yon dahil ang lahat ng tao ay handa kang bigyan ng masarap na bu­hay. Para hindi ka magka­mali, ang payo para sa iyo ay piliin mo ang taong hin­di ka gagawing alipin. Ma­suwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-10-16-21-24-28.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Maglinis ka ng bahay at linisin mo rin ang sa­rili mong silid-tulugan. Ito ang sikreto kung paano mas gaganda ang takbo ng iyong buhay at maaakit mo ang mga suwerte sa iyong paligid. Masuwer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-7-13-16-23-39-40.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page