Dahil sa’yo Ni: DTMT


Dahil sa’yo, ang puso ko ay naging ganito.
Mahirap na muling magmahal dahil sa takot
na ipinadama mo.
Ang tanong, bakit ako?
Dahil sa’yo, buhay ko ay biglang nagbago.
Noon, kahit sino ay kaya kong tanggapin.
Ngayon, ako ay hirap ng magtiwalang
muli.
Walang ipinakitang mali, puro pagmamahal
ang aking inialay, pero sa huli, ako pa
pala ang talunan.
Kawawa ako.
Dahil sa’yo, hindi ko alam kung paano
ako magsisimulang muli.
Kaya ko pa bang magmahal at magtiwala kahit na
alam kong maaari pa rin akong saktan
at iwanan?
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments