Alamin mula kay Maestro... KATOTOHANAN TUNGKOL SA KAPALARAN NG MGA ISINILANG SA YEAR OF THE MONKEY
- BULGAR

- Apr 28, 2019
- 2 min read


TANDAANG, ikaw ay mapabibilang sa Year of the Monkey kung ikaw ay isinilang noong mga taong 1932, 1944, 1956, 1968, 1980, 1992, 2004 at 2016.
Samantala, kung ikaw ay Unggoy na isinilang noong 2004, sinasabing matapos ang malaking tagumpay at mga achievement na iyong makakamit, sa panahong ito ng iyong buhay, kailangang-kailangan mo ang pamamahinga dahil ito ang magiging paraan upang lalo pang marecharge ang iyong kasiglahan at enerhiya.
Matapos ma-recharge ang iyong enerhiya, tiyak ang magaganap, dagdag na tagumpay at mga pagpapala ang iyong aanihin. May masarap at matamis ding romansang ipinapangako para sa iyo ngayong 2019.
Kung ikaw ay Unggoy na isinilang noong 1956, ang pagtulong sa kapwa at sa mga kaibigan ang dapat mong gawin ngayong Taon ng mga Baboy. Piliin mo lamang ang mga taong karapat-dapat na tulungan.
Sa ganyang paraan, habang tumutulong ka sa mga taong karapat-dapat tulungan, dobleng mga biyaya at pagpapala ang babalik sa iyo ngayong taon.
Kung ikaw ay Unggoy na isinilang noong 1968, sinasabing ‘yung mga dating achievement o karangalan at karagdagang kita na hindi mo nakuha noong nakaraang taong 2018 ay tiyak na mapasasaiyo na ngayong taon.
Panatilihin mo lamang ang dati mo ng ginagawang pagtitipid at pag-iipon upang kapag may dumating na bultong biyaya sa iyo ay hindi mo kaagad ito maubos, sa halip, ay may savings ka para sa future.
Kung ikaw ay Unggoy na isinilang noong mga taong 1920 at 1980, sinasabing tuluy-tuloy nang lalago ang inyong kabuhayan at makatatanggap kayo ng mga biglaang suwerte at pakinabang na hindi ninyo inaasahan, pero sobrang laki at marami talaga.
‘Yun nga lang, ngayong Taon ng mga Baboy, may mga kakilala ka na magkukunwaring tapat at totoong kaibigan, pero sa bandang huli, iisahan at lolokohin ka lamang, kaya dapat, mag-ingat kang mabuti sa mga kakikilala mo palang.
Kung ikaw ay Unggoy na isinilang noong mga taong 1932 at 1992, higit na magiging malapit ka sa iyong pamilya at minamahal ngayong Taon ng mga Baboy.
Habang nagiging malapit ka sa iyong pamilya, maaaring may dumating na bigla at bagong relasyong sadyang magpapaligaya sa iyo. Gamitin mo ito bilang inspirasyon at pampasaya, subalit, dapat mo pa ring iwasang magkasala.
Sa pinansiyal, tuluy-tuloy ang dating ng agos ng pera basta patuloy na naging positibo at masayahin ang pag-uugali mo sa buhay ngayong taon at tandaan mo ring hindi ka dapat malungkot upang ngayong 2019 ay lalo ka pang suwertehin at maging maligaya.
(Itutuloy)




Comments