top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Supply ng kuryente sa halalan, tiniyak na sapat

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 27, 2019
1 min read

KASABAY ng mainit na panahon, may nagaganap namang rotational brownouts sa ilang parte ng bansa.

Ang tanong, paano sa araw ng halalan?

Sa kasalukuyan, sinasabing patuloy ang pagbaba ng supply ng kuryente sa bansa.

Kaugnay nito, agad na pinawi ng gobyerno ang pag-aalala sa posibleng aberya ngayong May 13 midterm elections.

Magiging mababa umano ang pagkonsumo ng kuryente sa araw ng eleksiyon dahil nagkataong ito ay special non-working holiday at walang commercial at industrial operations kaya asahang ma­pupunan ang demand sa kuryente.

Sa ngayon, sumasailalim na sa test ang mga bagong power generation facility upang mapataas ang energy supply sa bansa.

Samantala, habang pinaghahandaan ng gobyerno ang anumang sitwasyon na may kaugnayan sa supply ng kuryente para sa eleksiyon, dapat ding paghandaan ng publiko ang panibagong taas-singil sa nasabing serbisyo.

Nag-abiso na ng taas-singil sa kuryente sa paparating na bill ngayong Mayo dahil sa mas madalas umanong pagtaas ng yellow at red alert sa Luzon grid na isa sa pinagkukuhanan ng suplay.

Ang resulta, nagtataas-presyo sa spot market o bentahan ng kuryente, kaya matinding diskarte pa ang kailangan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page