top of page

Sanhi ng luslos

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 27, 2019
  • 1 min read

Dear Doc. Shane, Ako ay 38 years old, may asawa at may dalawang anak. Nitong mga nakaraang araw, napansin kong lumalaki ang aking bayag at sumasakit ito. Ano ang dahilan nito at ito ba ang sinasabi nilang luslos? — Eldron

Sagot Ang paglaki ng bayag ng lalaki ay maraming puwedeng dahilan kaya kinakailangan itong maipasuri sa mga espesyalista upang matukoy ang dahilan nito.

Ang luslos o hernia ay kondisyon kung saan hindi kumpleto ang pagkakahiwalay ng bayag sa loob ng tiyan kaya maaaring lumuslos ang bahagi ng bituka sa bayag. Ito ay puwedeng magdulot ng paglaki ng bayag at pagkirot. Sa luslos, kalimitan ay hindi pantay ang paglaki ng bayag halimbawa, mas malaki sa kanan kaysa sa kaliwa. Ang pagkakaroon ng luslos na nakukuha sa pagkabata pa lang ngunit, ito ay maaaring sumumpong dahil sa pagbubuhat ng mabibigat, pag-ubo ng malakas, pag-iri o kung bumibigat ang timbang ng indibidwal. Ito ay maaaring kusang mawala at muling bumalik.

Samantala, hindi lamang problema sa paglaki ng bituka kundi ang pagkakaroon din ng labis na tubig, ito ay tinatawag na hydrocoele.

Gayundin, may iba’t ibang puwedeng maging sanhi nito tulad ng pagkakabundol ng bayag sa aksidente o impeksiyon. Bukod dito, ang pagkakaroon ng tumor sa bayag ay isa ring posibilidad, ngunit, luslos ang isa sa pinakaraniwang sanhi ng mga sintomas na nabanggit.

Gayunman, makabubuti kung magpatingin agad sa doktor upang matukoy kung ano ang sanhi ng paglaki at pagsakit ng iyong bayag, lalo na kung mayroon ng nararamdamang hindi maganda sa iyong sitwasyon, gayundin upang mabigyan ng karagdagang payo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page