Sa mga beshy natin diyan na naghahanap ng vacation place, read n‘yo ‘to! 8 reasons kung bakit kailan

BAGAMA’T, patapos na ang Abril, mahaba pa rin ang summer at for sure, marami pa rin sa atin ang nagpaplanong magbakasyon. Karamihan, sasabay sa pagdagsa sa mga pampublikong paliguan, mayroon ding mga trip umakyat ng bundok at marami pang iba, eh, kung sa farm kaya? Puwede!
Well, para sa mga trip ang unique na bakasyon, narito ang ilang dahilan kung bakit minsan sa buhay natin ay kailangan nating makapagbakasyon sa probinsiya:
1. LEARN HOW YOUR FOOD IS RAISED. Sa totoo lang, kapag nalaman o na-experience natin kung paano ang buhay sa bukid, malalaman natin kung gaano kahalaga ang pagkain. Mawawala sa bokabularyo natin ang salitang “pagsasayang”. Super magiging conscious consumer tayo at sobrang oks ‘yun.
2. FIND THE HEALTHIEST PRODUCE. Siyempre, kapag nakatira tayo sa siyudad, malamang, hindi madali sa atin ang makahanap ng mga “fully organic produced” na pamilihan. Madalas, “sprayed” na ang mga produkto ng mga kung anu-anong tindahan para tumagal ang buhay o magmukhang-fresh kahit hindi naman, gets mo?
3. FIND THE MOST DELICIOUS PRODUCE. Walang makatatalo sa local produced na mga produkto. Madalas, ang mga pagkain sa probinsiya o sa bukid ay panalo talaga, ‘yung tipong masarap na, healthy pa dahil malaki ang posibilidad na hindi ito ginamitan ng chemical pesticides kundi organic talaga, ayos!
4. PICK THE PRODUCTS YOURSELF. Kung unique experience lang din ang hanap natin, eh, ito na ‘yun! ‘Yung feeling na tayo mismo ang pipitas ng mga pagkain na papapakin natin. Karamihan sa mga farmer, hinahayaan nila ang mga bisita na sila mismo ang kumuha ng mga produkto na gusto nila. Sa umpisa, medyo hassle, pero kapag tumagal, eh, super nakae-enjoy na.
5. A PERFECT PLAYGROUND FOR KIDS. Hindi nakapagtataka kung bakit madalas ang ibang pamilya, mas pinipiling pagbakasyunin ang kanilang mga anak sa probinsiya dahil makakapagbakasyon na, marami pa silang matututunan tulad ng pagtatanim, pag-aalaga ng hayop at marami pang iba na kapaki-pakinabang sa buhay.
6. RECONNECT WITH NATURE. Malamang, sa sobrang polluted ng siyudad, kailangan talaga natin ang “fresh oxygen” na tanging kalikasan lang ang kayang makapag-provide. Ang experience na makapagbakasyon sa bukid ay sobrang mahalaga, lalo na kapag feeling tired at super haggard na tayo, ganern!
7. SUPPORT LOCAL AGRICULTURE. Totoo, dahil sa bawat pagbisita natin, eh, malaking bagay ito sa mga farmer dahil nakatutulong tayo sa pagpo-promote ng kanilang sistema, partikular kapag tinatangkilik natin ang kanilang mga produkto. Support local products pa more!
8. CONNECT WITH FARMERS AND THEIR FAMILIES. Marahil, nakapanonood o nakababasa tayo ng mga istorya ng pamilya ng mga magsasaka. Super inspiring ito, lalo na kapag sila mismo ang nagkuwento sa atin. Kaya naman, huwag natin silang kalimutang bisitahin, paminsan-minsan. Okay?
Sa sobrang moderno ng panahon, lahat na lang ay gustong pumunta sa mga “in” na lugar. Ang pagbabakasyon sa farm ay hindi lamang para makalanghap ng sariwang hangin kundi upang magbigay-halaga na rin sa ating mga minamahal na magsasaka. Kaya tandaan na hangga’t maaari, eh, promote local products tayo, mga beshy! Copy?





If you’re looking for the perfect vacation spot, definitely check out these 8 reasons why you need to go! For a truly transformative experience, consider a "meditation retreat NC." These retreats provide the ideal environment to reconnect with yourself, nature, and your inner spirit. It's more than just a getaway; it's an opportunity to step away from the hustle and bustle, find peace, and return feeling rejuvenated. Whether you need a break from work or just some time to reflect, a meditation retreat in North Carolina can help you strengthen your connections and come back stronger.