Notoryus na tulak utas sa shootout
Pabs Hernandez III
Apr 27, 2019
1 min read
BATANGAS—Isang notoryus na drug pusher ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Caloocan, Balayan sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Dennis Pantoja, nakatira sa naturang lalawigan.
Nabatid na darakpin sana sa drug-bust operation si Pantoja, pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang pulisya.
Dahil dito, kaagad gumanti ng putok ang mga awtoridad na naging dahilan kaya napatay ang suspek.





Comments