Malinaw ayon sa palad... BABAENG NAKATAKDANG LUMIGAYA KUNG HINDI PIPILITIN ANG BF NA MAGPAKASAL
- BULGAR

- Apr 27, 2019
- 2 min read

KATANUNGAN
May boyfriend ako ngayon, pero parang ayaw pa niyang mag-asawa, pero ako, gusto ko ng mag-asawa.
Thirty-two na kasi ako habang 28 pa lang ang boyfriend ko. Ang problema, parang marami pa siyang pangarap at gustong gawin sa buhay.
Pero, ang sabi ko naman sa kanya, kahit naman mag-asawa na kami, as long as, hindi pa kami nagkakaanak ay magagawa pa rin niyang tapusin ang kanyang masteral at mag-review o mag-take ng Board exam. Pero, parang wala pa rin talaga siyang interest na mag-asawa ngayon.
Kaya ang balak ko, Maestro, ay pilitin siya o gumawa ako ng set-up para maikasal na kami. Tama ba ang binabalak kong ito?
Gusto ko ring malaman kung siya na ba ang mapapangasawa ko at makakasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya?
KASAGUTAN
Huwag mong pilitin ang iyong boyfriend sa bagay na hindi naman niya gusto dahil sa bandang huli, ang relasyon o ang buhay-pag-aasawa ninyo at pati na rin ang itatayo ninyong pamilya ang maaaring magdusa.
Kaya ang pinakamabuti mong magagawa ay hayaan mo lang na magkusa ang iyong boyfriend na pakasalan ka dahil ito ang pinakamagandang relasyon o pag-aasawang gagawin ng lalaki.
‘Yung tipong siya mismo ang nagpasya na gusto na niyang mag-asawa at ang gusto niyang mapangasawa ay ‘yung pinili talaga niyang babae. Sa ganitong sitwasyon, tulad ng naipaliwanag na higit na mas magiging matatag, maunlad at maligaya ang itatayo ninyong pamilya.
Gayundin, ang posibilidad na maaaring mangyari, basta huwag ka lang magmadali sa kasalukuyan ninyong relasyon ng boyfriend mo kung saan ito ang nais sabihin ng kaisa-isang magandang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa pag-aasawa, huwag ka lang magpadalus-dalos ng pagpapasya, walang duda, tiyak ang magaganap, sa piling ng kasalukuyan mong boyfriend, magtatagumpay ang papasukin ninyong pag-aasawa at panghabambuhay ng magiging maligaya ang itatayo ninyong pamilya.
DAPAT GAWIN
Kung saan, ayon sa iyong mga datos, Ms. Sagittarius, nakatakda itong mangyari sa susunod na taong 2020, sa edad mong 33 at 29 naman ang boyfriend mo, tulad ng nasabi na, may pangako ng maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya, (Drawing A. at B. 1-M arrow a. at h-h arrow b.).




Comments