top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Lalo na ngayong ibang-iba na ang trip nila... TIPS PARA MAS MAINTINDIHAN ANG MGA ANAK NA MILLENIALS

Ronalyn
Apr 27, 2019
1 min read

No Problem

HINDI madaling ma­ging magulang, lalo na ngayong ibang-iba na ang henerasyon kung saan kinain na ng sistema ng teknolohiya ang mga kabataan at dahil diyan, narito ang ilang paraan para mas maintindihan natin ang mga millenial:

1. BE OPEN-MIN­DED. Sa pagiging open-minded, mas maiintindihan natin ang mga bagay na dati ay hindi natin naiintindihan. Sa panahon ngayon, hindi na uso ‘yung makalumang paniniwala, lalo na kung hindi ito nakatutuwa. Kaya kung gusto mong magka­sundo kayo ng inyong anak, be open-minded! Oh, ‘di ba, parang networking lang? He-he-he!

2. AVOID OVERACTING. Mainam na isantabi muna ang pagiging OA dahil minsan, ito ang panira kung bakit may mga kabataan na hindi nag-o-open sa kanilang mga magulang, lalo na kapag usaping love life. Ehem!

3. TREAT THEM BESTFRIENDS. Kahit ikaw ang nagpapakain, nagpapaaral at nagluwal, mamsh, make sure na bukod sa pagiging magu­lang ay maituturing din nila kayong bestfriend na palaging nand'yan sa oras ng pangangailangan.

4. DO AN OPEN-FORUM. Every week, mainam kung magkaka­roon kayo ng open-forum para nasasabi ninyo ang inyong mga hinanakit sa buhay nang sa gayun ay masosolusyunan ninyo ito nang sama-sama bilang pamilya. Ganern!

5. RESEARCH AND ADAPT. Dahil sa makabagong teknolohiya, for sure, malalaman ninyo ang mga trip nila bagets at kung paano ito masasa­bayan, gayundin, ang mga trending ngayon tulad ng mga dance craze at dalagang Pilipina. Hi-hi-hi!

Oh, ayan, mga mamsh, basta dehins tayo hadlang sa kaligayahan nila, tiyak na walang magiging problema.

Kaya kung may anak ka na millenial, alam mo na, ha?

‘Ika nga, be understanding!

Okie?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page