top of page

Janice at John, game na kayo? INAH, UMAMING NAPAG-UUSAPAN NA NILA NI JAKE ANG KASAL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 27, 2019
  • 2 min read

AYAW ni Inah de Belen na mai-compare ang acting niya sa kanyang ina na si Janice de Belen. Hangga’t maaari, she tries to have her own style pagdating sa pag-arte. Kaya inamin niya na ‘di raw siya humihingi ng advice kay Janice pagda­ting sa pag-arte.

Ini-reveal ‘to ni Ina sa ginanap na blogcon ng horror film na Maledicto ng Fox Networks Group Philippines directed by Mark Meily.

This is her first horror film at bilang literal na ‘anak ni Janice’, curious ang mga manunulat na malaman kung humingi siya ng pointers sa pag-arte sa isang horror film. Alam naman sa showbiz na nagmarka sa publiko ang mga ginawang horror/suspense movies ni Janice noon.

At sa dami ng ginawa ni Janice na horror films dati, inamin ni Inah na isa lang ang napanood niya. Hindi pa sure si Inah kung ano ‘yung title ng horror movie ni Janice na napanood niya.

By the way, going strong pa rin ang relasyon nila ng Kapuso star na si Jake Vargas. Magti-three years na rin pala sila, huh? Kaya ‘di kataka-taka kung matsismis na nagli-live-in na sila ni Jake.

In fairness kay Inah, nasa tamang edad naman na siya to decide on her own, lalo na sa love life niya. She’s already 27 na pala. Pero mukhang teen-ager lang si Inah, huh?

Sa tagal na nila ni Jake, in passing ay napapag-usapan na raw nila ang tungkol sa kasal. And yet, they both agree na ‘di pa nila keri ang magpakasal.

Huwag muna. Trabaho muna. Ipon muna,” sunud-sunod na sabi ni Inah.

Halos buwan lang din pala ang age gap nina Inah at Jake. Pero sey ni Inah, plano niya at the age of 28 ay mag-asawa na siya. Ayaw daw niyang abutin pa siya nang 30 plus bago ikasal.

Baka worried si Inah na mahirapan siyang manganak kapag 30 na siya nag-asawa. May nagsabi naman kay Inah na ang ina nga niya na si Janice, teen-ager pa lang nu’ng isilang ang kanyang kuya na si Igi Boy Muhlach.

Hopefully, nakaipon na sila ni Jake para matupad na ang wish ni Inah na mag-settle down at the age of 28.

Anyway, showing na sa May 1 ang Maledicto na pi­nagbibidahan din nina Tom Rodriguez at Jasmine Cur­tis-Smith.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page