top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Jailguard tinodas ng kaalitan

  • Pabs Hernandez III
  • Apr 27, 2019
  • 1 min read

CAMARINES SUR—Isang jailguard ang namatay nang tagain ng kanyang kaalitan, kamakalawa sa Bgy. Sta. Cruz, Bato sa lalawigang ito.

Ang biktima ay nakilalang si Jal Officer Randy Ramos, samantalang, ang suspek ay si Roberto Regazpi, kapwa residente ng nabanggit na bayan.

Ayon sa ulat, habang nag-iinuman sina Ramos at Regazpi ay nagkaroon sila ng pagtatalo na humantong para tagain ng suspek ang biktima.

Kaagad dinala ng mga saksi si Ramos sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page