Dahil sa lumalalang gulo sa bansa | 325 REFUGEES INILIKAS
INILIKAS ng United Nations Refugee Agency ang higit 300 refugees sa detention center sa Tripoli sa kalagitnaan ng paglala ng karahasan sa bansa.
Sa pahayag ng United Nations High Commissioner, ang mga nailigtas mula sa Qasr bin Ghashir Center ay inilipat sa isa pang Az-Zawiyah Detention Facility upang hindi madamay ang mga ito sa kaguluhan sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 825 ang bilang ng refugees at migrants na nailigtas.
Gayunman, mayroon pang 3,000 katao na naiwan sa detention center sa Tripoli.





Comments