Avengers: Endgame Infinity Gauntlet sa Google


Ngayong showing na ang Avengers: Endgame sa iba't-ibang panig ng mundo, gumawa ang Google ng '' Avengers: Endgame'' themed ''Easter Egg.''
Si Thanos ang bida sa Easter Egg na ito. Kapag hinanap mo ang pangalan ni Thanos sa Google, makakakita ka ng resulta na may 103,000,000 ngunit pag pinindot mo ang Infinity Gauntlet na makikita sa kanang bahagi ng screen, mawawala ang ibang resulta at bababa ito sa 51,500,000.

Sa Infinity War ginamit ni Thanos ang gauntlet para bawasan ang populasyon ng galaxy dahil sa tingin niya ay masyado na itong masikip. Marahil ito ang ginaya ng Google sa kanilang search results sa tuwing hinahanap ng mga tao si Thanos.

Ngunit kapag pinindot mo naman ang Infinity Gauntlet ulit, ang kapangyarihan ng Time Stone ay magagamit at ang mga resulta ay babalik.
Samantala, sa global na showing ng pelikula kumita na ito ng $428.6 million sa apat na araw pa lamang. Base sa mga numero at patuloy na pag-trend nito, tinatayang mabilis na aabot sa $1 billion ang kikitain ng pelikula sa unang linggo pa lamang ng showing nito.
Sa Pilipinas, kumita na ito ng P205,675,345 ($3,941,704) sa unang araw pa lamang. Palabas ito sa 970 na sinehan sa bansa at ang iba pa ay inuumpisahan ang screening ng 6:01 ng umaga at ang iba naman ay 24 oras ito pinapalabas.





Comments