3-3 ITINARAK NG ROS SA GAME 6


NAKAHIRIT ng do-or-die game ang Rain or Shine matapos kalusin ang Magnolia Hotshots, 91-81, kagabi sa Game 6 ng PBA Philippine Cup best-of-seven semifinals sa Ynares Center, Antipolo.
Tabla na sa 3-3 ang serye, naging matatag ang Elasto Painters sa fourth quarter upang makuha ang panalo at makapuwersa ng Game 7.
Kumana sina two-time Most Valuable Player, (MVP) James Yap at Rey Nambatac ng tig 16 puntos habang bumakas si Beau Belga ng 15 pts. para tulungan ang RoS na pigilin ang nag-uumentong Hotshots.
Lumaban ng sabayan ang Elasto Painters sa unang dalawang periods, naungusan nila ang Hotshots, 41-35, sa halftime.
Sina veterans Yap at Belga ang namuno sa opensa sa first half para sa Rain or Shine matapos magtala ng tig-siyam na puntos.
Umarangkada agad ang Hotshots sa simula ng first canto, 9-3, pero nagawang makahabol ng Rain or Shine kaya nahawakan nila ang unahan papasok ng third quarter.
Nakadikit ang Pamabansang Manok Magnolia, naitabla nila ang iskor sa 62-all sa pagtatapos ng third.
Nauna nang sumampa sa finals ang defending champion San Miguel Beer matapos nilang payukuin sa Game 5 ang top seed Phoenix Fuel Masters.
Bago lumaban ang Hotshots sa semis, pinatalsik muna nila sa quarterfinals ang crowd favorite Barangay Ginebra Gin Kings. (ATD)





Comments