top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Maraming tambay, mataas ang bilihin pero, kaunti lang daw ang nagugutom, huwat?!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 26, 2019
2 min read

DAPAT IISPLIKA NI P-DUTERTE SA PUBLIKO KUNG SAAN NIYA GAGAMITIN ANG PONDO SA “BA­NGON MARAWI”—Ang akala ng publiko ay tuluy-tuloy ang rehabili­tasyon ng Duterte gov’t. sa nadurog na Marawi City dulot ng ginawang pambobomba ng militar sa mga Maute-ISIS sa lugar na ito, ‘yun pala ay mismong si P-Duterte ang nagsabi na wala raw plano ang kanyang adminis­trasyon na gastusan para maipagawa ang mga nawasak na bahay ng mga Maranao dahil sa mga negosyante at sangkot daw sa iligal na droga ang karamihan sa mga nakatira sa lungsod na ito.

Kung tototohanin ni P-Duterte ang sinabi niyang ito, dapat niyang iisplika sa publiko kung saan niya dadalhin o gagamitin ang inilaang pondo ng pamahalaan at ang bilyun-bilyong dolyar na financial aid ng iba’t ibang bansa para sa pagbangon ng Marawi City, period!

◘◘◘

ANG DAMING WALANG WORK AT MATAAS NA PRESYO NG MGA BILIHIN TAPOS SA SURVEY NG SWS, KAUNTI LANG DAW ANG NAGU­GUTOM —Sa survey ng Social Weather Stations (SWS) sa 1st quarter ngayong 2019 ay kakaunting Pinoy na lang daw ang nakararanas ng gutom.

Pambihirang survey ito, mantakin ninyo, ang daming jobless Pinoy dahil ang trabahong para sa kanila ay naibigay sa mga Chinese national at sobrang taas pa ng presyo ng mga bilihin tapos sa survey ng SWS, kaunti na lang daw ang nagugutom, himala!

◘◘◘

IMBES NA DRUG LORD ANG DAKPIN, WHISTLEBLOWER, IPINAHUHULI—Matapos ibulgar ni drug enforcer ex-Col. Eduardo Acierto na drug lord ang economic adviser ni P-Duterte na si Chinese national Michael Yang, nagpalabas ng warrant of arrest ang korte.

Hindi si Michael Yang ang ipinahuhuli ng korte kundi si Acierto dahil ito raw ang sangkot sa iligal na droga at hindi ang adviser ni P-Duterte.

Onli in da ‘Pilipins lang ‘yan, imbes na ang pinangalanang drug lord ang dakpin, eh, “whistleblower” ang kinakasuhan at ipinahuhuli ng gobyerno, boom!

◘◘◘

CLOSE-OPEN RAKET NG MGA ILIGALISTA SA LAS PIÑAS CITY—Balik-operasyon na naman daw ang dating nagsarang raket na lotteng operation ni “Onie” sa Las Piñas City.

Ganyan pala ang raket ng mga iligalista sa jurisdiction nina Mayor Mel Aguilar at Col. Simnar Gran, “close-open”, pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page