top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

LADY SPIKERS AT EAGLES, SUMAMPA SA TWICE-TO-BEAT VOLLEY PLAYOFFS

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 26, 2019
1 min read

NASIGURO ng de­fending champion De La Salle University ang playoff para sa isang twice-to-beat incentive sa Final Four round makaraang walisin ang University of the East, 25-17, 25-16, 25-19, kaha­pon sa pagpapatuloy ng UAAP Season 81 Women’s Volleyball Tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Ang panalo na sinelyu­han ni Ynna Nicole Hatulan ang kanyang back-to-back hits na ikalimang sunod ng Lady Spikers at nagpatibay ng kanilang kapit sa No. 2 spot hawak ang markang 10-3 sa likod ng namumu­nong Ateneo de Manila University (10-2).

Nalaglag naman ang UE na lumarong wala si Mean Mendrez dahil sa mataas na lagnat sanhi ng tonsillitis sa kartadang 3-10.

Nanguna para sa Lady Spikers sina rookie Jolina De la Cruz at Aduke Ogun­sanya na may tig-10 puntos katulong si setter Michelle Cobb na nagtala ng 20 excellent sets at 3 puntos.

“Lagi kong nire-remind ‘yung mga bata na this is an important game. Huwag magre-relax, ‘wag sobrang over confidence kasi nothing to lose yung UE,” pahayag ni DLSU coach Ramil de Jesus.

“Kanina kita mo na­man mula first point hanggang dulo, naroon ‘yung kapit ng UE, so talagang gustong manalo. Medyo lumayo lang noong medyo kontro­lado na ‘yung galaw.”

Nanguna naman si Judith Abil para sa Lady Red Warriors sa iniskor nitong 16 puntos bukod pa sa 20 excellent receptions at 10 digs.

Sa huling laro, nasiguro naman ng Ateneo ang unang twice to beat incentive ma­tapos walisin ang Adamson, 25-16, 28-26, 25-17.

Pinangunahan ni Kat Tolentino ang pag-angat ng Lady Eagles sa markang 11-2, sa itinala nitong 17 pun­tos. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page