top of page

HOROSCOPE | ABRIL 26, 2019 (Biyernes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 26, 2019
  • 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG ABRIL 26, 2019 (Biyernes): Huwag kang mag-alala sa mga naninira sa iyo dahil ki­kilos ang kapalaran mo at sila ang mapapahiya. Ito ang kahulugan ng araw na ito ng iyong pag­silang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maghanda ka laban sa mga tukso. Ma­raming tukso ang magtatangkang hilahin ka sa pagkakamali. Nga­yong alam mo na, dapat alam mo na rin kung ano ang iyong gagawin. Ma­suwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-20-24-35-39-43.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon ang magan­dang pagka­kataon para isagawa mo ang mga naudlot mong mga plano dahil nag-a­alinlangan ka sa maa­aring maging resulta. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-6-10-19-23-25-42.

GEMINI (May 21- June 20) - Ilaan mo sa mas kapa­ki-pakina­bang na bagay ang mga suwerteng darating sa iyo dahil kapag nakita ng langit na ganu’n ang iyong ginawa, ang naka­tu­tuwang balita ay da­rag­dagan pa Niya ang mga ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lot­to-17-20-21-28-30-38.

CANCER (June 21- July 22) - Muling nagbalik ang lakas ng iyong likas na gayuma. Kahit ikaw, mapatutunayan mo ito sa pagharap mo sa sa­lamin na ang bulong ay na­kaaakit ka ngayon. Masu­werteng kulay-red. Tips sa lotto-7-11-13-15-29-33.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hu­wag mong ta­likuran ang iyong obligas­yon na alalayan ang ma­hi­hina at mga kapos ang kapalaran. Ang hiwaga ng buhay ay nagsasabing, kaya sila kinapos ay dahil sa iyo ibinigay. Masuwer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-12-25-32-38-40-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Umiwas ka da­hil alam mong masisira ka. Dahil dito, sobrang haha­nga sa iyo ang langit at pag­kakalooban ka Niya ng mga espesyal na prebi­le­hiyo na sabihin mo ang iyong mga gusto at ibibi­gay Niya ito sa iyo. Ma­suwer­teng kulay-white. Tips sa lotto-1-17-23-35-38-45.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakatutuwa ang pagbaba­lik ng mga su­werte mo dahil ipinapayo sa iyo na kumilos at mag­salita ka ng masaya upang ang mga suwerte ay mag­dagsaan sa kapalaran mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-16-18-29-35-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong kata­ku­tan ang mga negatibong pananaw na naglalabas-masok sa iyong isipan dahil ang mga ito ay tulad lang ng mga pa­nakot sa ibon sa taniman ng mga halaman. Masu­werteng kulay-yellow. Tips sa lotto-10-12-27-30-38-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang magda­mot, pero hu­wag na huwag mong pa­pormahin ang nagkukun­waring walang gusto sa iyo, ngunit, nais na maisa­han kang muli. Masuwer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-15-16-20-21-24-29.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi mo maiiwasang pansinin ang mga munting langgam, ma­alaala mo na ang mga ito ay nag-iipon para sa kani­lang kinabukasan. Tularan mo sila, ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-11-13-29-30-35.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Umiwas ka sa init ng pa­nahon. Sa ga­gawin mong pag-iwas ay mapapalapit sa iyo ang taong handang bigyan ka ng ma­sarap na buhay. Ito ang mensahe ng iyong ka­pa­la­ran ngayon. Masuwer­teng kulay-beige. Tips sa lotto-10-14-16-17-20-22.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Isang sulyap na masusun­dan ng titig ang ipupukol sa iyo. Tatalab ito sa pinakamalalim na ka­loo­ban mo at malaki ang posibilidad na ang kasalu­kuyang buhay-pag-ibig mo ay mayanig. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-18-19-23-26-44.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page