Sa gitna ng sunud-sunod na lindol, manatiling handa at kalmado


PAGKATAPOS ng magkakasunod na lindol na naganap sa bansa, posible pa umanong makaranas ng aftershocks sa mga susunod na araw o linggo, ayon sa mga awtoridad.
Matatandaang, noong Lunes, niyanig ng Magnitude 6.1 na lindol ang Central Luzon, Magnitude 6.5 sa Visayas noong Martes at sinundan pa ng Magnitude 4.5 aftershock sa Castillejos, Zambales at kahapon, may naitala ring magkasunod na pagyanig — Magnitude 4.5 sa Davao Occidental at 4.7 naman sa Davao Oriental.
Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), 600 aftershocks na ang naitala mula noong Lunes. Dahil dito, patuloy ang ating paalala na manatiling kalmado at handa.
Walang sinuman ang nakaaalam kung kailan o saan tatama ang lindol, ang tanging magagawa lang natin ay ang harapin ito nang kalmado at may alam.
Napakahalaga ng mga pagsasanay kaugnay ng lindol, dapat natin itong seryosohin at i-apply ‘pag nariyan na ang aktuwal na sitwasyon. Ito ang isa sa magliligtas sa atin.
Higit sa lahat, magdasal at magtiwala na malalampasan natin ito.





Comments