top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Pagmumura hindi krimen, pero masamang makaugalian!

Ryan B. Sison
Apr 25, 2019
1 min read

“HINDI krimen ang pagmumura”, ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Du­terte sa kanyang talumpati na naganap sa PICC sa Pasay City, kamakalawa.

Aniya, mismong Korte Suprema na ang nagsabi na hindi slanderous ang pag­mumura.

Sa totoo lang, hindi naman talaga ma­sasabing krimen ang pagmumura, lalo na kung ginagamit lang ito bilang eks­presyon ng tao.

Gayunman, bagama’t, hindi ito ma­sama para sa iba, kailangan pa rin itong ilagay sa lugar, partikular ng mga taong tinatawag na “public figure” dahil ma­rami silang maaaring maimpluwen­si­yahan.

Sa ngayon, wala nang pinipiling edad ang pagmumura dahil mapabata o ma­tanda man ay kaya itong gawin, ‘yun nga lang kahit sino ang makaririnig nito, pa­ni­guradong hindi ito magugustuhan dahil para sa ating moral at Simbahang-Ka­tolika ay hindi ito maganda at kaaya-aya.

Dagdag pa rito, kahit na hindi slande­rous ang pagmumura, hindi ito sapat na dahilan para ipagpatuloy ang ganitong nakaugalian, lalo na at wala namang ma­gandang naitutulong para sa bayan.

Samantala, kahit pa sinabi ng pangulo na ito ay normal ng lengguwahe ng mga mayor sa mga taga-Mindanao region, ngayong pangulo na siya, dapat limita­han na niya ito hindi para makapagpa­kitang-tao kundi para magpakita ng respeto at masimulan na ang tunay na pagbabago.

‘Ika nga nila, bago natin mabago ang ating nasasakupan, baguhin muna natin ang ating hindi magagandang nakauga­lian.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page